FROST BYTE

PHL CUP CHAMP TEXTERS SUSUBUKAN SI BENSON

SHARES:

10:56 PM January 17th, 2013

Recommended
By: SNOW BADUA, January 17th, 2013 10:56 PM

Darating na sa Biyernes ng umaga ang import ng Talk n’ Text Tropang Texters na si Keith Benson.

Ayon kay Assistant Coach Josh Reyes, isa talaga sa top 3 choices nila ang dating Golden State Warrior.

May height na 6-11, umaasa ang Manny V. Pangilinan franchise na magagampanan ni Benson ang butas sa gitna ng Talk n’ Text.

“Skill set niya kasi bagay sa gustong gawin ni Coach Norman (Black),” sinabi ni Reyes na umaasang magiging top weapon nila ang 24-year-old American slotman sa poste.

“We need an import who can defend scorers like Denzel Bowles. At the same time, kailangan namin ng go to guy sa post lalo na pag crucial,” wika ni Reyes. “Sa tingin namin, si Benson yun!”

Pero dahil sa ngayon pa lamang nila makakasama sa team ang 48th overall pick ng 2011 NBA Draft, inamin ni Reyes na on-standby ang dati nilang katuwang na si Donelle Harvey.

Si Harvey ay kasalukuyang lumalaro sa Chinese Basketball Association at maaring mabigyan ng clearance sa 2nd week of February.

“Donelle will always be on standby. We were one free throw away from the title the last time he was here,” dagdag ng youthful assistant coach.

Kasunod nito, sinabi ni Josh, anak ni National Coach Chot Reyes, na sadyang hindi na nila pinursue ang first choice reinforcement na si Marcus Douthit.

“Mahirap pa sumugal kay Douthit kasi… Isang injury lang sa kanya tapos ang kampanya ng Gilas, ngayon pa naman ang pinaka-importante,” hirit ni Reyes habang binabanggit ang papalapit na FIBA Asia Championships.

Ang incoming import ng Talk n’ Text ay beterano ng NBA D-League kung saan lumaro ito para sa Sioux Falls Skyforce at Erie Bayhawks. May career averages si Benson ng 13.1 pts, 7.6 rebs, at 1.5 blocks per game.

Lumaro din ito sa Europe suot ang uniporme ng Dinamo Sassari sa Italy.

Disclaimer: Comments do not represent the views of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments which are inconsistent with our editorial standards. FULL DISCLAIMER

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
pba