YEO-TUBID DEAL NAKAKASA NA?
Marahil ay alam na niyo ang planong trade para kina Ronald Tubid ng Barako Bull Energy Cola at Petron Blaze Boosters’ Joseph Yeo.
May ilang linggo na ring umiikot ang trade rumors ukol dito.
Kung pag-aaralang mabuti, parehong kailangang-kailangan ngayon ng mga teams na naghahabol sa kanila ang dalawang sikat na wingmen.
Si Tubid na bantog sa kanyang pagiging enforcer at energy guy ay isang piyesa na kailangang kailangan ngayon ni Coach Olsen Racela sa Petron.
Magugunitang noong nakaraang season ay na-tsismis pa nga na sa sobrang pagka-desperado ng Petron sa isang enforcer, muntik pa di umanong kinuha ng Blaze Boosters sa Air21 Express si Ogie Menor.
Sa kabilang banda, kulang naman sa isang certified scorer ang Barako Bull Energy Cola at ito ang kayang kayang ibigay ng isang Joseph Yeo.
Ang dating De La Salle Green Archer ay kayang-kayang humanap ng paraan para maka-score, marahil kaya natawag siyang “The Ninja.”
Bagama’t scorer din si Tubid, hindi maikakaila na mas sanay at mas eptektibo ang Oton, Iloilo native sa kanyang role playing job.
Pero bago maisakatuparan ang nasabing trade, isang kuliglig mula sa Ortigas ang nagkwento sa amin na may isa pang hiling ang George Chua franchise.
Ito ay ang isama sa Yeo package ang rookie na si Alex Mallari.
Handa raw ang Barako Bull na magpamigay ng dagdag na future pick para sa palitang ito.
Kung hindi mauudlot, sinabi ng aking kuliglig na maaring maisakatuparan ang trade bago mag Sinulog Festival sa Cebu (January 20).
At sakaling ito na ang final deal ng dalawa, at bago makarating sa opisina ni Commissioner Chito Salud ang proposal… Kayo ang tatanungin ko: Patas ba ito o kulang pa?
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.