Close  

SIEGLE BULLISH SA KAMPANYA NG BARAKO BULL NGAYON

03:07 PM February 05, 2013
*/?>

Posibleng maging playoff contender muli ang Barako Bull Energy Cola.

Ito ang paniniwala ni superstar Danny Seigle habang pinupuri ang latest build up sa roster ng George Chua owned franchise.

Noon kasing nakaraang January 22 ay nakakuha ng mga beterano at scoring gem ang Barako Bull sa katauhan nina JC Intal, Jonas Villanueva, Jojo Duncil at 2014 first round pick.

FEATURED STORIES

Bagong dimension sa opensa na kanilang isasahog sa kanilang ipinagmamalaking defensive tactics ang nakikita ngayong positibo ni Seigle sa Barako Bull.

Ayon pa sa 36-year-old high flying forward, maganda ang sistema na itinuturo sa kanila ni team consultant Rajko Toroman.

“We have a very good system now. It’s very active and I always get good looks (at the basket),” pagbubunyag ni Seigle, na isang 9-time All Star.

Labis na hinahangaan ngayon ni Seigle ay ang walang pagdadamot na pamamahagi ni Toroman sa kanyang scientific basketball technique na produkto ng ilang dekadang pag-aaral at pag-iikot sa mundo.

“It’s great that we have him now in the team. We get to learn a lot of things, new ideas and better approach,” dagdag pa ni Seigle.

Maging si Barako Bull coach Bong Ramos ay wala ring mapagsidlan sa kanyang mga nasasagap mula sa veteran international coach.

“Andami kong natututunan araw-araw, maganda na rin ito kasi may nakukuha tayong bagong istilo,” giit ni Ramos na hanga sa disiplina ni Toroman sa training.

Kasama ang kanilang import na si Evan Brock, sasabak sa opening day action ang barako Bull Energy Cola katapat ag Matt Rogers-bannered San Mig Coffee Mixers.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved