Close  

ROOKIE DIARY: TERRENCE ROMEO

In my first conference in the PBA…
Marami na akong natutunan, and at the same time, marami pa akong dapat i-improve. Dapat maging tough ako sa loob ng court especially pag crucial yung time. Kailangan ko pa ring i-improve yung timing ko – kung kelan ako dapat tumira at kung kelan ako pwedeng pumasa. Di ko naman minamadali yung sarili ko. Kaya nga may time kami mag-ensayo eh. Dun ko na lang ibubuhos – sa practice. Wala namang paggising, Michael Jordan na kaagad eh.

ADVERTISEMENT

When I faced off with the stars…
Sila Kuya Mark Caguioa, nila James Yap, at nila Paul Lee, every time na nakaka-shoot sila, hindi sila nagyayabang. Yun yung maganda sa kanila kasi they’re staying lang sa game. Di ko lang alam kung ano ang ginagawa nila pag tina-trash talk sila, kasi ako medyo nagugulat pa eh. Pero yun yung natutunan ko sa pagharap sa kanila, na pag natapos na yung game, tapos na rin yung init nyo sa isa’t isa. Kaya nung natapos na yung game namin against Rain or Shine, tumaas din yung respeto ko kay Paul Lee. Gusto nya rin ako mag-improve, at the same time, sinabihan nya ako na kailangan kong matutunan kung kailan ako dapat pumasa. Hindi ko tine-take yun na tinuturuan nya ako, kundi tine-take ko yun na tama yung sinasabi nya kasi mas matagal sya sa akin sa dito sa PBA. Mas alam nya yun kasi dumaan din sya sa experience na nae-experience ko ngayon.

My most memorable moment as a pro is when…
Yung laban namin ng Ginebra, kasi muntik na naming matalo yung number one team eh. Sobrang laki sana ng opportunity na rookie pa lang ako at bagong team kami, tapos matatalo namin yung number one. Kaso nga lang, short kami.

FEATURED STORIES

As a pro, I can rate myself at…
Mga nasa five or six. Meron pa kong i-seven o eight, hanggang nine pa. Basta mas pagbubutihan ko pa sa susunod na conference.

Read Next
LATEST STORIES
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.
View comments

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.


© Copyright 1997-2019 INQUIRER.net | All Rights Reserved

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.