FROST BYTE: LASSITER UPDATE, NEVER SAY DIE & NO EXCUSES
Bagama’t negatibo sa fracture X-ray sa likod ni Petron Blaze superstar Marcio Lassiter nakasailalim pa rin ito sa close at serious observation.
Ayon sa isang source mula sa Medical City at Petron team, nakakitaan ng mild break o kaunting basag sa lumbar area ng spine nito o yung tinatawag na L5.
Ito marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mamatay matay pa rin sa sakit na nararamdaman ang hard scoring Fil-Am guard.
Sa Lunes o Martes ay isasalang sa CT Scan ang tinaguriang California Swag para sa mas malalim na pagsusuri sa extent ng injury.
Pero ayon sa aming nakausap hindi career threatening ang naturang injury, yun nga lang maselan ito na kailangang lapatan ng masusing pag-aaral.
Sa kasagsagan kasi ng bakbakan ng San Mig Coffee Mixers at Petron Huwebes ng gabi ay masama ang naging bagsak ni Lassiter habang mag-aatempt ng steal sa entry pass ni Peter June Simon kay James Yap sa ilalim.
Natahimik ang lahat dahil hindi nagawang tumayo o umupo man lamang ni Lassiter.
Kaya’t kinailangan pa itong i-stretcher palabas ng Araneta Coliseum at isugod ng ambulansya sa Medical City.
* * *
“Pisikal na aksyon at hamon sa never say die spirit.”
Ito ang tema ng dalawang natitirang quarterfinals pairings ng PBA Philippine Cup.
Sa bakbakan ng Alaska Aces at Meralco Bolts – tunay na nasubok ang tibay ng katawan ng mga players.
Maliban kasi sa kanilang dribble and drive offense, bantog na ang Meralco sa kanilang high voltage ruggedness.
“Talagang kailangan naming maging physical dahil isa yun sa effective para sa amin. Dun kami nanalo eh. Nasisira yung composure ng opposing teams”, wika ni Meralco Bolts guard, Ronjay Buenafe.
Sa kabilang banda, malimit namang maging biktima ng borderline physicality ang Alaska.
Pero sa Game 1 ng series nuong isang araw, parang ipinagpag lamang ng Aces ang roughness ng B-boys tungo sa 90-84 win.
“We were at the receiving end of rough plays pero we told our boys to be tough. They play physical na rin, di ba? Pero in a wholesome way!”, biro ni Alaska Sports Manager CK Kanapi.
Samantala, trono ng “Never Say Die Spirit” naman ang tila at stake sa best-of-3 series ng Barangay Ginebra San Miguel at Rain or Shine Elasto-Painters.
Ang kakayahan ng team na bumangon mula sa near insurmountable deficits ay isang dahilan kung bakit minahal ng milyon-milyong fans ang Kings.
“We’ll see (on Friday) who’s the ‘Never Say Die’ team. It will be a different us.”, banta ni Ginebra superstar Mark Caguioa.
Sa pahayag naman ng kanyang sparring partner na si Jayjay Helterbrand, “I think we’re better when our backs are against the wall. Babawi kami (on Friday).”
Para matapos ang ilang kahanga-hangang come from behind win at mga unbelievable victories ng Rain or Shine, maraming fans ang nagsasabi na ang Elasto-Painters ang bagong “Never Say Die” squad.
Pero kung ang natatanging certified superstar ng team ang tatanungin, applicable para sa lahat ang “never say die” slogan dahil lahat ng koponan sa PBA ay kayang mag “rise from the grave.”
Dahil ditto, may inilabas na bagong slogan si coach Yeng Guiao para sa Raymond Yu at Terry Que franchise.
“Madami nga nagsasabi nun, pero ayaw naming i-monopolize yung adjective na yun. Kasi sa lahat naman ng team applicable yun. Pero kung gagawa kami ng amin gusto ko: ‘No Excuses’. Kung talo kami, talo kami. Kung nanalo kami, hindi dahil sa isa o dalawang players lang”,
Habang papalapit nang papalapit sa Finale ang Philippine Cup, lalo namang dumarami ang sub plot na nasasaksihan ng mga PBA fans.
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.