Close  

PBA TRADING CARDS P1M TOP PRIZE DI PA NAPAPANALUNAN

01:12 PM February 09, 2013
*/?>

Milyong pisong halaga pa ng pa-premyo ang naghihintay sa mga fans ng PBA.

Katunayan, wala pa ring itinatanghal na milyonaryo sa promo ng PBA trading cards.

Sa mga masugid na tagasubaybay ng liga, matagal nang ini-launch sa publiko ang naturang trading cards.

FEATURED STORIES

Pero ang PBA trading cards ay naiiba sa lahat ng mga trading cards. Higit sa larawan, stats at mahahalagang impormasyon ng inyong paboritong PBA players, may kalakip na premyo ang cards na mabibili.

Isang daan hanggang isang milyong piso ang naghihintay sa mga masuswerteng fans na tatangkilik sa PBA trading cards.

Kwento ni Philweb Assistant Vice President for Business Dev’t Jam Parungo, hanggang ngayon ay nakakakalat pa rin sa merkado ang natatanging PBA trading cards na may P1,000,000 top prize.

“We’re excited na nga to know the lucky person. Up to now, hindi pa rin siya nakukuha,” paliwanag ni Parungo.

Ang PBA trading cards ay mabibili sa halagang P120 kada isa sa mga outlets ngunit P100 lamang kung sa mga PBA venues bibilhin.

Ito ay available sa Mini Stop stores at Netopia internet cafes sa buong bansa. Maari rin itong ma-order sa shopinas.com.

Ang bawat trading card ay maaaring i-swap sa mga kapwa kolektor at maaring tumaas ang value nito depende sa tagal at player na laman nito. (SBadua)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved