Close  

MISSING IN ACTION

05:20 PM May 28, 2014
*/?>

Malaki pala ang problema ng isang player na ito sa kanyang coach.

Ayon sa aming mga nakausap, matagal nang gustong sumibat ng player na ito sa puder ng kanyang mentor dahil sa hindi umano siya labis na nagagamit nito.

Katunayan, ilang ulit na umanong kumakausap ng ibang team ang nasabing manlalaro para magawan siya ng trade at tuluyan nang malisan ang koponan.

FEATURED STORIES

Noong nakaraang Abril ay lumabas ang ulat na maililipat na sana sa Air21 Express ang nasabing player, pero napurnada ito.

Ayon sa source ng FrostByte, halos kasado na sana ang nasabing trade agreement kung hindi lamang umano nagbago ang isip ng management ng team ni problemadong player.

Sa ngayon ay missing in action ang manlalarong ito at wala pang balita kung kalian niya balak bumalik sa bansa.                                                                                                     ***

Isang manlalaro naman ang posibleng ma-trade sa mga susunod na linggo.

Rookie, magaling magdala ng bola, shooter at dating kampyeon sa amateur ranks ang player na ito na minsan ring naging kontrobersyal tulad ng kanyang sparring partner noong kolehiyo.

Ilang team na umano ang nag-iinquire tungkol sa rookie guard na ito, pero sa ngayon ay wala pang nakakasundo ang kanyang mother team sa aspeto ng palitan.

Aming napag-alaman na maging si player, na sinasabing pwedeng maging future superstar sa PBA, ay gusto na ring ma-trade, lalo’t laging sadsad ang kampanya ng kanyang team.

Isang sikat na koponan, isang expansion team, isang perennial champion ballclub at isang darkhorse franchise ang umano’y mga umaasinta sa player na ito na dating lumaro sa NLEX Road Warriors sa PBA D-League.

Sakaling matuloy ang kanyang paglipat, maaaring maganap ito sa huling bahagi ng current conference o di kaya’y sa off-season.

Ulitin ko lang: depende ito sa magiging takbo ng negosasyon.
                                                                  ***

Naghihintay na lamang ng pormal na alok ang Air21 Express ukol sa umano’y balak ng grupo ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan na bilhin ang kanilang prangkisa.

Nakausap ng Frostbyte si Air21 team governor Lito Alvarez at sinabi nito na sa ngayon ay wala pang opisyal na alok sa kanila ang grupo ng Smart Communications.

Ayon sa ulat, target umano ng NLEX Road Warriors na bilhin ang prangkisa ni courier business magnate Bert Lina.

Ang NLEX ay isa sa tatlong expansion teams sa PBA na nakatakdang pumasok sa 40th season ng liga simula sa October 19.

Binigyan nang hanggang June 7 ni PBA commissioner Chito Salud ang NLEX para timbangin ang kanilang plano sa pagpasok sa Asia’s first play for pay league.

Kaya sa loob ng isa at kalahating lingo, asahan ang dagdag na drama at plot sa pinakasikat na liga sa bansa.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved