Close  

HUMIHIRIT NG MALAKI

07:42 PM August 28, 2014
*/?>

Isang beteranong player ang tila nagiging sakit ng ulo ng kanyang team ngayon.

Nagpaparinig kasi ang naturang cager ng malaking paycheck gayung alam naman ng lahat na hindi na ganun kakinang ang kanyang pangalan at lalong wala na halos asim ang kanyang laro.

Sinasabing galing 175 thousand pesos a month na paycheck ang manlalaro, bagay na alam ng kanyang bagong koponan na nag-aalok naman ng mas malaki pang 200 thousand pesos.

FEATURED STORIES

Pero sa ipinagtataka ng management ng bago niyang team, nagpaparinig di umano ng 500 thousand pesos a month na sweldo ang player. Higit pang malaki sa maximum allowable na 420,000.

Sa ngayon ay nakabinbin pa umano ang negosasyon ng dalawa kampo dahil humihirit pa ng 300 thousand pesos na sweldo kada buwan ang nasabing manlalaro na galing sa pambansang unibersidad.

Nagsabi na ang pamunuan ng team na sakaling magpatuloy na magmatigas ang player ay hindi sila nangingiming abandonahin ang pakikipagusap dito, lalo’t marami-raming big men na nakuha sa nakalipas na Draft ang koponan.

*             *           *

Kapwa nagdeny na ng pakikipagusap sa kampo ni Rain or Shine superstar guard Paul Lee ang San Miguel Corporation at Manny V. Pangilinan groups.

Naunang nag-isyu si Smart Sports head Patrick Grgeorio ng pagtanggi na tinatangka nilang sulutin si Lee.

Ayon kay Ginoong Gregorio, ang incoming chairman ng PBA Board of Governors, hindi ugali ng MVP group ang makipagusap sa isang player ng walang permiso ng kanyang mother ballclub.

“We follow the protocol when it comes to negotiating with players,” wika ni Ginoong Gregorio.

Kamakailan ay si San Miguel Corporation big boss Ramon S. Ang naman ang nag isyu ng denial, sa pagsabing kahit pa pag expire ang kontrata ni Lee sa Rain or Shine sa August 31 ay wala silang balak na lapitan ito.

“We are not in talks with anybody about Lee. We have no plans to pursue him after his contract expires,” sagot ni Ginoong Ang sa tanong ng Frostbyte.

Dahil dito, nakahinga naman ng malalim si Rain or Shine coach Yeng Guiao.

Pero nang tanungin ng fiery mentor kung ano ang balak niya matapos ang pagtanggi ng dalawang higanteng kumpanya, mas ginusto nitong bigyan muna ng espasyo ang sikat na point guard.

“Wala akong nais sabihin at gawin. Basta kami, hihintayin namin na bumalik si Paul dito. Gusto muna namin siyang mag focus sa Gilas,” sagot ni Guiao.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved